Patuloy ang apela ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) kaugnay sa ipinatutupad na modernization program ng gobyerno sa sektor ng transportasyon.
Iginiit sa DWIZ ni FEJODAP President Ricardo Boy Rebano na hindi kakayanin ng mga jeepney driver at operator ang mga requirement sa modernisasyon kaya’t maraming prangkisa na nila ang nawalan ng silbi.
Sinabi ni Rebano na mawawalan ng saysay ang mga ganitong hakbangin kung hindi naman makaka comply partikular ang mga maliliit na driver at operator na hirap na hirap na lalo na ngayong may pandemiya.