Feminism.
Ito ang tinaguriang word of the year para sa taong ito ng US dictionary na Merriam-Webster.
Bunsod ito nang paglobo ng pitumpung (70) porsyento ng bilang ng online searches para sa “feminism”.
Ayon sa Merriam-Webster, nakatulong para lumaganap ang interes ng tao sa naturang salita ang ilang protesta ng mga kababaihan, mga palabas sa telebisyon at pelikula na ang paksa ay mga usaping may kinalaman ang mga kababaihan at mga balita na may kinalaman sa sexual assault at harassment.
Sinabi pa ng Merriam Webster na ang feminism ay tumutukoy sa pantay na karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan na matamasa ang karapatan panlipunan, ekonomikal at pulitikal.
Ilang women’s march ang naganap sa Washington at sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang naganap kasunod nang inagurasyon ni US President Donald Trump.
Kabilang naman sa mga palabas na may malakas na temang feminismo ang wonder woman at the handmaid’s tale.
—-