Walang kinalaman ang Bangsamoro Basic Law o BBL sa nangyaring Mamasapano incident.
Ito ang inihayag sa DWIZ ni Government Peace Panel Chair Miriam Coronel-Ferrer sa harap ng napipintong reinvestigation ng senado sa sinapit ng 44 na miyembro ng PNP-Special Action Force.
Ayon kay Ferrer, nangangamba sila na baka mainip ang mga kapatid nating Muslim at kumalas ang ilang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front o MILF bunsod ng pagkakabalam ng pagpasa sa BBL.
“Ang hirap ngayon syempre kailangan yung leadership ng MILF ay mahigpit ang hawak sa mga kasapi niya para matiyak na walang titiwalag diyan dahil nga sa disappointment na maaaring maramdaman kaugnay nito.” Pahayag ni Ferrer.
By Jelbert Perdez | Ratsada Balita