Hindi na uubrang bawiin ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mga armas na isinuko nila sa unang bahagi ng decommissioning process kahit pa hindi maipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Binigyang diin ito ni Government Peace Panel Chair Prof. Miriam Coronel Ferrer, kasunod ng duda ng Moro National Liberation Front (MNLF) kung tapat ang MILF sa decommissioning process.
Sinabi ni Ferrer na nakatago na ang mga armas sa isang lugar na nasa pangangalaga ng isang independent decommissioning body.
Kasabay nito, nanawagan si Ferrer sa magkabilang panig na pagtibayin ang tiwala hanggang sa makamit ang pagbabago kapag tuluyan nang mabuo ang Bangsamoro region.
By Judith Larino