Tanggap na ni Government Peace Panel Head Miriam Coronel-Ferrer na hindi maipapasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL sa ilalim ng Aquino administration.
Ayon kay Ferrer, ito ay dahil sa kawalan ng quorum at tatlong sesyon na lamang ang nalalabi bago mag-adjourn.
Bunsod ng kabiguang maipasa ang BBL, hindi na mapupuwersa ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na isuko ang 10,000 armas.
Bukod sa BBL, wala na ring pag-asang makalusot sa Kamara ang FOI o Freedom of Information Bill at Anti Dynasty Law.
Mag-a-adjourn ang sesyon ng mataas at mababang kapulungan ng Kongreso para sa 90-day electoral campaign.
By Meann Tanbio