Suportado ng Global Ferronickel Holdings Incorporated o FNI ang mining policy ni President- elect Rodrigo Duterte kasabay na rin ng pagwelcome nila sa pagpasok ni Regina Paz Gina Lopez bilang DENR Secretary.
Ayon kay FNI president attorney Dante Bravo, bilang responsableng kumpanya ng minahan, patuloy makikiisa ng kanilang kumpanya na may pagmamahal sa kalikasan, respeto sa karapatang pantao.
Bilang pagpapatunay, sinabi ni Bravo na nakasunod sa ISO standard ang kanilang minahan at mahalaga rin ang kaligtasan at kalusugan ng kanilang mga empleyado.
May aspirasyon din, anila, sila sa lokal na komunidad na sakop ng kanilang minahan.
Nakikiisa rin sila sa layunin ni lopez na magkaroon ng positibong legacy sa hinaharap.
Nagmimina ang Global Ferronickel Holdings sa Cagdianao, Claver sa Surigao del Norte.
By: Avee Devierte