Ibinasura ng Sandiganbayan ang fertilizer fund scam case laban sa mag-asawang Congressman Jose Carlos at Baybay City Mayor Carmen Cari.
Ito ayon sa Sandiganbayan Second Division ay dahil sa kabiguang maipaliwanag ng Ombudsman ang 11 taong pagkaka-delay para isampa ang nasabing reklamo laban sa mag-asawang Cari.
Agosto ng taong 2017 nang kasuhan ang mag-asawang Cari ng dalawang (2) bilang nang paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Malversation of Public Funds.
Nag-ugat ang kaso dahil sa paggamit umano ng mag-asawang Cari sa kanilang puwesto para paboran ang Castle Rock Construction para sa suplay ng 600 na galon ng foliar liquid fertilizers ng walang public bidding.
Nalugi umano ng halos tatlong milyong piso (P3-M) ang gobyerno dahil sa nasabing kasunduan.