Isinisisi ng isang Legal Luminary sa Kongreso ang sinapit ng TV Broadcast giant na ABS-CBN kung bakit ito ipinasara ng National Telecommunications Commission o NTC.
Ito’y ayon kay Far Eastern University Institute of Law dean at dating broadcaster na si Atty. Melencio “Mel” Sta Maria ay dahil sa inupuan lang ng Kongreso ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa kanilang prangkisa nuon pang 2014.
“Focus now must be on Congress [Magpokus tayo ngayon sa Kamara]” mensahe ni Atty. Mel sa kanyang live webcast na pinamagatang “Interview with Dean Mel Sta. Maria”
Giit ni Atty. Mel, ang batas na siyang naggawad aniya ng prangkisa sa ABS CBN ang siya ring batas na dapat sanang nagbigay pahintulot na magpatuloy ito sa himpapawid.
“Isang statute rin po at legislation ang makakapagpalawig ng buhay ng prangkisa [ng ABS-CBN]. Wala na pong iba,” pagdiin ni Sta. Maria.
Ipinunto pa ni Atty. Mel na ang isyu ay ang pagkakapaso ng prangkisa ng ABS CBN na dapat iginagawad ng Kongreso at hindi ang Provisional Authority na bigong ibigay ng NTC kahit may resolusyon mula sa dalawang kapulungan na sumusuporta rito
“Kung ang prangkisa ay iginagawad ng Kongreso, may kapabayaan po ang Kongreso,” saad ni Sta. Maria matapos hindi i-usad, pinagu-usapan at tinapos ng Kongreso ang pagbabalangkas prangkisa bago pa magtapos ang Marso
Ito rin ang naging sigaw ng Free Legal Assistance Group (FLAG) na nagpahayag na ang dapat sisihin ay ang mga miyembro ng mababang kapulungan na tumangging dinggin ang pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN bago ito mapaso.
Umamin naman ang Opposition Congressman na si Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, Author ng panukalang ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN, na Kongreso ang siyang may kasalanan at “scapegoat” lamang ang NTC sa nasabing kapabayaan ng Kongreso.
“I would like to apologize for the failure of Congress to do its job. Kasalanan namin ito eh. Kasalanan ng Kongreso ito. But more important, I’d like to say, squarely, kasalanan ni Speaker Cayetano ito. Pagkukulang niya ito sa bayan,” ani ni Atienza.
Si Solicitor General Jose Calida naman na isa sa mga nagbabala sa NTC laban sa paggawad ng provisional authority sa ABS-CBN sa kabila ng kawalan ng balidong prangkisa ay nagsabi rin na ang dapat nating tinatanong ay “bakit hindi ito inaksiyunan ng Kongreso? Na siyang may kasalanan dito.”