Tuluyan nang kumalas ang FEU Dr. Nicanor Reyes Medical Foundation sa PhilHealth dahil sa utang sa kanila ng ahensya na nasa 200 million pesos hanggang nitong katapusan ng Nobyembre.
Dahil dito, ipinabatid ni FEU NRMF Chief Operating Officer Juan Enrique Reyes na hindi na nila ibabawas sa PhilHealth benefits ang hospital bill ng mga pasyenteng miyembro ng ahensya.
Inamin ni Reyes na mahirap ang nasabing hakbangin lalo nat hindi naman nila matutulungan ang kanilang mga estudyante kung kulang silang sa pinansiyal.
Sa kabila nito, tiniyak ni Reyes na ibibigay nila ang lahat ng mga form na kailangan para makapag-apply ang mga pasyente ng kanilang reimbursements.—sa panulat ni Airiam Sancho