Tuluy tuloy ang pagbibigay ng impormasyon sa publiko ng Consultative Committee (ConCom) hinggil sa Pederalismo.
Sa kabila ito nang pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na priority ng gobyerno ang inflation o pagtaas ng mga pangunahing bilihin sa bansa kaysa pagsusulong ng Pederalismo.
Ayon kay Atty. Lawrence Wacnang, miyembro ng Consultative Committee, walang dahilan para pigilin at itigil ang information dissemination o roadshow hinggil sa naturang usapin.
Magpapatuloy aniya ang information dissemination kaugnay sa Pederalismo hanggang hindi ito pinipigilan ng DILG na siyang lead agency sa nasabing isyu.