Makikipagtulungan ang International Real Estate Federation o FIABCI-Philippines sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) para sa pagsasakatuparan ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito’y ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar kasunod nang pagbisita ng international real estate federation officials sa kanilang tanggapan kahapon.
Dito inihayag ni Acuzar ang mga plano at accomplishments ng ahensya sa naturang programa na pinuri at sinuportahan ng mga opisyal.
Ang FIABCI-Philippines ay isang organisasyon ng real estate professionals sa bansa na may 54 na miyembro mula sa iba’t ibang sektor.