Tuloy na ang final window ng FIBA Asia cup qualifiers sa darating na buwan ng hunyo na gaganapin sa Clark, Pampanga.
Ayon sa FIBA Regional Office Asia na maliban sa Clark na syang magho-host ng group A, B, at C, sa Ammad, Jordan naman isasagawa ang paghaharap ng mga koponan na nasa group E at F.
Itinakda sa June 16 hanggang 20 ang mga laro sa Pilipinas habang sa June 12 hanggang 14 naman ang schedule games sa bansang Jordan.
Pahayag ng FIBA regional office, inorganisa ang mga laro ng FIBA Asia alinsunod sa health and safety protocols.
Madedetermina sa mga games na ito kung sino pa ang mga maaring makasama ng Bahrain at Lebanon na pawang kwalipikado na sa tournament na ito.
Binubuo naman ang group a ng Philippines, Korea, Indonesia, at Thailand.
Isang panalo na lamang ang kinakailangan ng Gilas Pilipinas upang ma-qualify sa FIBA Asia cup na nakatakdang ganapin sa buwan ng Agosto sa Jakarta, Indonesia.
Kasama naman sa group B ang mga bansang Taipei, Japan, Malaysia, at China habang nasa group C naman ang Australia, New Zealand, Guam, at Hong Kong.