Isang Israeli F-16 fighter jet ang bumagsak matapos paulanan ng anti-aircraft missiles ng Syria.
Agad namang nakapag-eject ang dalawang piloto ng F-16 bago bumagsak sa Northern Israel.
Nagsasagawa ang Israeli Air Force ng operasyon laban sa isang Iranian drone na pumasok sa airspace ng Israel na kalauna’y napabagsak.
Target ng Israeli forces ang mga Iranian military facility sa Syria, indikasyon na isa itong direktang pag-atake ng Israel sa Iran.
Gayunman, inakusahan ng Syrian government ang Israel na nanghimasok sa airspace ng Syria ang isa sa mga fighter jet kaya’t pinuntirya ito ng kanilang air defense system at imposible rin ang bintang na may pinalipad silang Iranian drone.
Dahil dito, agad rumesbak ang Israel at nagdeploy ng walo pang fighter jets upang bombahin ang mga military facility ng Syria at Iran.