Balik na sa pagiging number one pound-for-pound king si 8-Division World Champion Senator Manny Pacquiao.
Base sa isang boxing website, nauwi sa number 9 spot si Pacquiao matapos nitong matalo kay Floyd Mayweather Jr. noong 2015.
Muling umangat ang ranking nito nang matalo niya si Jessie Vargas noong Linggo para sa WBO welterweight belt.
Napanatili naman ni Roman Gonzales ang pagiging number two sa ranking gayundin si Gennady Golovkin sa number three.
Umangat naman sa number four mula sa number seven spot si Terence Crawford.
Bumaba mula number four at ngayon ay number five na lamang si Sergey Kovalev.
By Mariboy Ysibido