Dumating na sa Kuala Lumpur Malaysia si fighting senator Manny Pacquiao para sa nalalapit nitong laban sa darating na Linggo kontra kay Lucas Matthysse ng Argentina.
Bitbit ni Pacquiao ang dalawandaan (200) kataong kinabibilangan ng kanyang team, pamilya at mga kaibigan.
Kabilang dito ang tatay ni Pacquiao na si Rosalio na sinasabing immune na sa panonood ng mga laban ng kanyang anak.
Samantala, inaasahan ding manonood sa laban ni Pacquiao si Pangulong Rodrigo Duterte bilang bahagi ng biyahe nito sa Malaysia para pulungin ang bagong upong Prime Minister na si Mahathir Mohamad.
Ang bakbakang Pacquiao-Matthysse ay gaganapin sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur sa darating na Linggo.
—-