Kinalma ng Pacific Tsunami Warning Center ang mga bansang nakapaligid sa Karagatang Pasipiko hinggil sa inaasahang tsunami sa nasabing karagatan.
Ito’y makaraang yanigin ng magnitude 7.8 na lindol ang bansang Fiji mag-aalas-12:00 kagabi oras sa pilipinas
Batay sa unang impormasyon ng United States Geological Survey o USGS, naitala ang magnitude 8.1 na lindol subalit ibinaba rin ito sa magnitude 7.8.
Natukoy ang sentro ng pagyanig sa layong 123 kilometro timog silangan ng Suva at may lalim itong 669 na kilometro mula sa sentro.
Bagama’t may kalakasan ang tumamang lindol sa naturang bansa, tiniyak ng PTWC na wala silang namomonitor na malawakang tsunami dahil malalim naman ang pinagmulan nito.
—-