Itinanggi ng Filipino-American Businesswoman na si Loida Nicolas-Lewis ang akusasyon na siya ang nasa likod ng hakbang ng International Criminal Court na imbestigahan ang sinasabing Extra-Judicial Killings sa Pilipinas.
Wala anyang katotohanan ang alegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at pawang peke ang mga source of information nito.
Ayon kay Lewis, ang anumang detalye ng mga pag-uusap sa telepono ay kasinungalingan.
Magugunitang inihayag ni Pangulong Duterte na hawak niya ang kumpleto ng transcript ng pakikipag-usap ni Lewis sa telepono na ibinigay ng ibang bansa subalit ang pakikipag-usap ay ginawa sa Pilipinas at New York.
Posted by: Robert Eugenio