Libre pa ring makapapasok sa bansa kahit walang visa ang mga Filipino-American (Fil-Am) na gustong magbalikbayan.
Nilinaw ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa harap ng nauna nyang pahayag na kailangan nang kumuha ng visa ang lahat ng Amerikano kasama ang Fil-Ams na gustong magtungo ng Pilipinas.
Samantala, iginiit ni Panelo na hindi maituturing na insulto sa mga U.S. citizens ang hingan silang ng visa dahil maraming Pilipino ang hirap na hirap na makakuha ng visa para makapasok sa Amerika.
Ang visa requirement para sa mga U.S. citizens ay buwelta ng Malakanyang matapos ipagbawal ng Amerika na makapasok sa kanilang bansa ang mga opisyal ng gobyerno na nagpakulong kay Senador Leila De Lima.