Binigyan ng standing ovation ng mga judge ang Filipina-American finalist sa America’s Got Talent Season 12 na si Angelica Hale, sa katatapos na performance night ng finale ngayong umaga oras sa Pilipinas.
Inawit ni Hale ang kantang “Symphony” ng British Electronic Music Group na Clean Bandit.
Samantala , tinawag ng hurado na si Heidi Klum na “giant” si Hale dahil kahit 4 feet lamang ang taas nito ay napakaganda umano ng kanyang pagkakaawit.
Nauna rito inamin ni Klum na si Angelica ang paborito niya sa lahat ng mga nakapasok sa finale bagama’t magagaling naman daw ang lahat ng finalists.
Ayon naman sa judge na si Simon Cowell, si Hale ang pinakamagaling na singer sa season ngayon ng AGT.
Ngayong araw tatapusin ang lahat ng performance ng mga kalahok at bukas iaanunsyo ang tatanghaling panalo sa “America’s Got Talent” na mag-uuwi ng isang milyong dolyar.
—-