Susubukan ng Filipino-American na si Remy Martin ang kanyang kapalaran sa professional basketball.
Ito’y matapos magdeklara si Martin na lalahok siya sa 2021 NBA draft makaraan ang apat na taon sa Arizona State.
Sa social media account ng Arizona Sun Devils, inanunsiyo ni Martin ang kanyang intensiyon na sumali sa draft ngayong taon.
Matatandaang isa ang 22-anyos na 6-foot point guard sa mga ikinokonsidera para sa Gilas Pilipinas pero hindi ito naisakatuparan dahil sa
eligibility issues.