Nakalaya na ang 79-anyos na Filipino-American matapos mahulihan ng isang kahong bala na dinala nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa Los Angeles.
Ayon sa Pasay Prosecutor’s Office, pansamantalang pinalaya si Rufino Rondaris habang nire-review ang kasong illegal possession of ammunition na isinampa laban sa kanya.
Si Rondaris ay sakay ng isang connecting flight na patungo sana sa Laoag, Ilocos nang mahulihan ng 36 na pirasong bala ng .25 caliber sa kanyang hand carry bag.
By Jelbert Perdez | Raoul Esperas (Patrol 45)