Biyaheng Indonesia na mula Los Angeles, California, USA ang Filipino-American NBA player na si Jordan Clarkson upang maglaro para sa Gilas Pilipinas sa 2018 Asian Games.
Ayon kay Gilas coach Yeng Guiao, bagama’t hindi na aabot si Clarkson sa sagupaan ng Pilipinas at Kazakhstan, inaasahang makakasama ang Cleveland Cavaliers guard sa game ng national team kontra China.
Mamayang alas onse ng umaga, oras sa Pilipinas makakaharap ng Gilas ang Kazakhstan sa Gelora Bung Karno Basketball Hall sa Jakarta.
Sasagupain naman ng Philippine team ang China sa Martes, agosto a-bente uno.
Samantala, tiniyak ni Guiao na hindi magiging problema ang “chemistry” ng ibang gilas player kay Clarkson.