Itinanggi ng isang Filipino-American philanthropist na may kinalaman siya sa umano’y planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Loida Nicolas-Lewis, isang kilalang supporter ni Vice President Leni Robredo, walang katotohanan ang ibinibintang sa kanila.
Iginiit pa ni Lewis na marahil nabuo ang “Resign Duterte Movement” base sa binitiwang salita ng Pangulo noong inagurasyon nito na magbibitiw siya sa pwesto kung hindi masosolusyunan ang problema sa iligal na droga sa loob ng anim na buwan.
Idinagdag pa ni Lewis na ang Global Filipino Diaspora Council ay isang public site.
Kung mayroon aniyang kuntsabahan patungkol sa oust plot laban kay Duterte, imposibleng pag-usapan ito sa isang public page.
Una rito, inihayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na iimbestigahan nila ang tinaguriang “Leni leaks”.
By Meann Tanbio