Sumakabilang buhay na nitong Biyernes sa edad na 58, ang Pulitzer prize winner at Filipino-American investigative journalist na si Alex Tizon.
Sinabi ni University of Oregon School of Journalism and Communications Dean Juan Carlos Molleda, sumakabilang buhay si Tizon habang siya ay natutulog.
Si Tizon ay isinilang dito sa Pilipinas at nagturo sa University of Oregon simula noong 2011.
Una nang nagtrabaho bilang reporter sa the Seattle Times si Tizon at nabigyan siya ng Pulitzer prize noong 1997 dahil sa kanyang ginawang coverage sa federal housing program para sa native Americans.
By Katrina Valle