Natagpuang patay ang isang Fil-Am transgender sa isang hotel sa New York City.
Kinilala ng Philippine Consulate General sa New York ang biktima na si Rodolfo Mañacap, Jr. na una nang napaulat na nawawala ng ilang araw na.
Ayon sa mga otoridad, walang senyales ng trauma sa katawan ng nasabing Fil-Am transgender, na kilala rin bilang si Olivia Snow.
Inaasikaso na ng Office of the Chief Medical Examiner ang pag-autopsy sa labi nito.
Tiniyak naman ni Philippine Consul General Senen Mangalile ang patuloy na pakikipag ugnayan sa mga otoridad sa New York kaugnay sa kaso ni Mañacap.