Nasungkit ni Fil-Am Willie Morrison III ang ikalawang gintong medalya sa men’s shot put para tapusin ang Philippine Athletics Championships sa PhilSports Track Oval sa Pasig City.
Ito ay matapos niyang talunin si John Albert Mantua nang makuha niya ang 17.06 meters sa shot put sa kaniyang ika-apat na subok.
Pumangalawa lamang si Mantua sa laban habang pangatlo si John Michael Fajardo.
Nabatid na nakapagtala ng bagong SEA games at national record na 18.38 meters si Morrison sa New Clark City Athletic Stadium sa Capaz, Tarlac tatlong taon na ang nakalipas.