May agam-agam pa umano ang ilang Filipino-Americans sa pagpapabakuna.
Sa kabila ito ng report ng Florida Department of Health hinggil sa 23,000 cases ng COVID-19 o pagtaas ng 8,000 sa mga nakalipas na Linggo.
Ayon sa mga otoridad bumaba ang bilang ng mga nagpapa bakuna sa nakalipas na 10 linggo at nasa 55% lamang ng populasyon ang nakatanggap ng first dose ng COVID-19 vaccine.
Katuwiran ng ilang Fil-Am maaaring maka apekto sa natural defense ng kanilang katawan ang COVID-19 vaccine samantalang duda ang iba sa anila’y maikling panahong ginugol sa pag aaral sa epekto ng mga naturang bakuna.
Binigyang diin naman ng isang Fil-Am na miyembro ng facebook group na florida pinoy na mayruon namang dalawang pagpipilian – immunity mula sa infection na may posibilidad na ma infect muli at long term immunity sa pamamagitan nang pagbabakuna.