Itinanghal na grand winner ng X Factor Australia Season 7 ang Filipino-Australian na si Cyrus Villanueva.
Si Villanueva ang nakakuha ng pinakamaraming boto, batay sa resulta na inanunsyo kagabi.
Sa kaniyang grand finals performance kagabi, inawit ni Villanueva ang isa sa kaniyang mga audition song, ang “Earned It” ng The Weekend.
Pangalawang inawit ni Villanueva ang magiging kauna-unahang single niya na “Stone”.
Napabilib ng 19-year old student ang mga judges sa bawat soulful performance ng kanyang mga awitin.
Si Villanueva ang ikalawang Pinoy na nanalo sa X Factor Australia.
Noong nakaraang taon, ang Filipino-Australian din na si Marliza Punzalan ang naging champion ng Season 6 ng X Factor Australia.
By Mariboy Ysibido
Watch:
https://www.youtube.com/watch?v=p7eYAusGO-k