Umakyat sa flyweight ranks si Australia-based Filipino Reece McLaren matapos durugin si Brazilian Jiu-Jitsu champion Aleksi Toivonen ng Finland sa fight card ng ONE Championship sa Singapore Indoor Stadium.
Agad na natumba at namilipit sa sakit si Toivonen nang tamaan sa bodega ng malupit na tuhod ng dating bantamweight title contender.
Dahil sa panalo, inaasahang makakasagupa ni McLaren sa hinaharap sina champion Adriano Moraes, UFC legend Demetrious Johnson at Danny Kingad ng Team Lakay.