Nakalikom ng nasa P265-milyon ang Filipino-Chinese commmunity sa pamamagitan ng Filipino-Chinese Community Calamity Fund (FCCCF) bilang donasyon ng samahan sa nagpapatuloy na coronavirus disease 2019 (COVID-19) relief operation.
Ayon sa FCCCF, sakop ng donasyon ang mga medical supplies, tulad ng:
- personal protective equipment (PPEs),
- N95 at surgical masks,
- gloves,
- safety goggles.
- alcohol, at
- thermal scanners, para sa mga health care workers sa mga pampubliko at pribadong ospital na lumalaban kontra COVID-19.
Kasama rin donasyon ay ang mga food packs para sa mahihirap na pamilya sa Metro Manila at probinsya.
Samantala, pinagtibay din ng filipino-chinese community ang suporta nito sa pamahalaan maging sa ipinatutupad na safety measures kontra covid-19.