Ginunita ang Filipino-Chinese Friendship Day kahapon, ika-9 ng Hunyo.
Ito’y sa kabila ng mga kontrobersya at sigalot sa pagitan ng dalawang bansa dahil sa pinag aagawang teritoryo.
Ayon kay Foreign Affairs secretary Teodoro Locsin Jr., mas umusbong pa ang relasyon ng dalawang bansa sa mga nagdaang taon lalo na noong umupo bilang presidente si Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, naniniwala ang dalawang bansa na mayroon pa ring dapat na ipagdiwang sa nasabing araw na bubuo naman at magpapatibay sa relasyon ng China at Pilipinas.