Nagbukas ang pintuan ng Rio Olympics sa huling minuto para kay Fil-Japanese judoka Kodo Nakano na makakadagdag sa tiyansa ng Pilipinas na manalo ng medalya.
Ito ang ipinaabot kay Filipino Chef-de-Mission Jose Romasanta ni Philippine Judo Federation President Dave Carter noong Miyerkules ng umaga.
Ayon kay Carter, kaagad magtutungo ang 23-anyos na si Nakano sa Rio de Janeiro.
Inaasahang darating si Nakano sa August 6 eksakto para sa pagsisimula ng Judo competitions sa August 9.
Lalaban siya sa 81 kg class.
Si Nakano ang magiging pang-13 Filipino athlete na magtatangkang makapag-uwi ng medalya dito sa Rio Olympics na pormal na magbubukas sa August 5.
By Mariboy Ysibido
(Photo from Kodo Nakano’s Facebook account)