Sumakabilang buhay ang isang Filipino American TV anchor sa New York City.
Hindi naman binanggit sa report ng NBC New York kung saan nagtatrabaho si Katherine Creag o Kat sa kanyang mga kaibigan at kapwa manggagawa kung ano ang ikinamatay ng 47 anyos na Fil Am TV anchor bagamat sinasabing may kinalaman sa kondisyong medikal ang pagkamatay nito.
Sinabi ng NBC na si Creag ay nakapag report pa noong Miyerkules ng umaga.
Ayon kay Amy Morris, vice president of news ng NBC maalalahanin at masayahin si Creag na tubong Maynila ngayo’y naninirahan na sa Manhattan kasama ang asawa at tatlong anak at 10 taong nagtrabaho sa nasabing media outfit.