Naging pangkalahatang mapayapa ang filing ng certificate of candidacy (COC) at certificate of nomination and acceptance (CONA) para sa 2019 midterm elections.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde, walang naitalang anumang untoward incidents ang Pambansang Pulisya sa limang araw na paghahain ng kandidatura sa buong bansa.
Samantala, inihayag naman ni Albayalde na sa susunod na linggo ay posibleng ilabas na ng PNP ang listahan ng mga election hotspots o election watch list areas sa buong bansa.
Una nang binanggit ni Albayalde na perennial election hotspots ang mga lugar sa Abra, Masbate, Lanao, Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte.
—-