Hindi na palalawigin ng Commission on Elections (COMELEC) ang deadline ng pagpa-file ng Statement of Contribution and Expenditures (SOCE) ng mga kandidato at party-list groups na lumahok sa 2022 elections.
Ito ang nilinaw ni COMELEC Director for Education and Information James Jimenez matapos ang deadline ng pagsusumite ng SOCE, kahapon.
Gayunman, mayroon pang hanggang anim na buwan ang mga nanalo sa May 9 polls para sa late filing.
Ang problema lamang anya sa late filing ay hindi maaaring umupo sa kanilang pwesto ang mga nanalong kandidato hangga’t hindi nagsusumite ng SOCE.
Muling pina-alalahanan ng poll body official ang mga kandidato na iwasan ang naka-ugaliang late filing ng SOCE dahil maaari itong magresulta sa disqualification sa paghawak ng anumang public office.