Naging mapayapa ang unang araw ng Filing of Candidacy para sa 2022 Elections ayon sa COMELEC.
Sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na walang naging problema kahit pa sa pagsunod sa mga ipinatutupad na health protocols.
May mga pagkakataon lang aniya na minsan ay kailangan magpaalala ng mga poll officer sa mga tao na panatilihin ang physical distancing.
Una rito, ni-require ng COMELEC ang lahat , kabilang ang media na magprisinta ng negative COVID-19 test na valid sa loob ng 24 oras bago sila payagang pumasok sa COC filing area.