Itinanghal ang Filipina-American Sprinter na si Kayla Richardson na pinakamabilis na babaeng manlalaro sa Southeast Asia.
Ito ay matapos niyang masungkit ang gold medal sa 100-meter dash sa nagpapatuloy na 31st Southeast Asian games na ginaganap sa Hanoi, Vietnam.
Nakapagtala ang sprint queen ng 11.60 seconds sa finals event na sinundan ng Singapore na nagtala ng 11.62 seconds, habang nagtapos sa ikatlong puwesto ang pambato ng thailand na may oras na 11.66 seconds.
Mababatid na huling nagreyna si Richardson sa event noonng sea games 2015 na ginanap sa Singapore.