Nagpahayag ng pagkasabik ang 17-year old Filipino Car Racer na si Bianca Bustamante sa gaganaping 2022 W series season sa Mayo 8 sa Miami, Florida.
Matapos ang serye ng qualifying rounds ay nasungkit ng teen racer ang i-spot sa 2022 W Series na tinawag na Formula One para sa mga babaeng driver.
Makakalaban naman ni bustamante ang 16 na indibidwal na magrerepresenta ng siyam na team.
Sa ngayon, nakatuon si bustamante sa pag-eensayo para sa opening leg ng naturang laban. – sa panulat ni Airiam Sancho