Nakasungkit ng gintong medalya ang Filipina-Japanese Karaketa Junna Tsukii sa Karate One Premier League sa Cairo, Egypt nitong linggo.
Tinalo ni Tsukii ang hometown bet na si areeg rashed sa score na 2-1 sa 50 kilogram division finals.
Naging dikit ang laban ni Tsukii at areeg hanggang sa sumapit ang last seconds ng gold medal match.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na nanalo si Junna sa nasabing kumpetisyon makalipas ang limang buwan sa Portugal leg ng nasabing tournament.—sa panulat ni Rex Espiritu