Nagbigay ng 1.5 Milyong Pisong halaga ng bago at segunda manong police equipment sa PNP ang FALEO o Filipino American Law Enforcement Officers.
Kabilangan sa mga nasabing kagamitan ang ilang bullet proof vest, holster, anti-riot equipment, at office supplies
Sa kabila ito ng pagputol ng SFPD o San Francisco Police District sa suporta nito sa pambansang pulisya dahil sa isyu ng extra judicial killings.
Ayon sa isa mga pinuno ng FALEO na si Lieutenant Eric Quema na retiradong miyembro ng SFPD, usaping pulitikal ang extra judicial killings at human rights violations kaya hindi ito pakikialaman ng kanilang grupo.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal