Inanunsiyo ni Filipino-American Skier Asa Miller ang muling pagrepresenta sa bansa sa darating na 2022 Beijing Winter Olympics.
Sa Instagram post ni Miller, inihayag niya na muli siyang lalahok sa Winter Olympics.
Nagpakitang gilas ang 21-year-old skier sa 2018 Pyeongchang Winter Olympics kung saan kaniyang nakamit ang 70th place sa Giant Slalom Event.
Ang Beijing Winter Olympics ay isasagawa sa February 4 hanggang 20, 2022. —sa panulat ni Mara Valle