Nagwagi via split decision si Filipino-Australian Josh Culibao matapos pabagsakin ang pambato ng Korea na si Seungwoo Choi sa Ultimate Fighting Championship (UFC) 275 prelims na isinagawa sa Singapore.
Nabatid na dalawang beses na na-knocked down ni Culibao si Choi kung saan nakapagtala siya ng 69 strikes kumpara sa 64 strikes ng kaniyang kalaban.
Pinasalamatan naman ni Culibao ang lahat ng kaniyang team at coach maging ang mga nanood at sumuporta sa kaniyang laban na isang malaking panalo din para sa kaniya.