Bigo ang Filipino boxer na si Ernesto Saulong sa kanyang laban kay IBF Super Bantamweight Champion na si Ryosuke Iwasa ng Japan.
Sa kanilang paghaharap sa Kokugikan Sumo Stadium sa Tokyo, Japan kagabi, natalo si Saulong via unanimous decision.
Nagbigay naman ang mga judge ng score na 119-109, 120-108, 118-110 pabor kay Iwasa.
Hawak na ng Japanese Bantamweight Champion ang 25 wins kabilang ang knockout at 2 losses habang lumagpak ang Pinoy Fighter sa 21 wins, 3 losses at 1 draw record.
RPE