Muling nagtungo sa Estados Unidos si Tokyo Olymics Bronze Medalist Eumir Marcial upang maghintay ng makakatunggali sa kanyang pangatlong laban sa Punch-For-Pay League.
Tinatarget naman ni Sean Gibbons, Head ng MP Promotions, ang ika-8 ng Oktubre bilang petsa para sa laban ni Marcial.
Dalawang beses nang lumahok bilang isang propesyonal na boksingero.
Una nang sumali sa Pro Ranks si Marcial noong December 2020 sa Los Angeles, sumunod naman ang laban nito sa Las Vegas kung saan nakalaban nito si Isiah Hart.
Bukod sa pagiging Tokyo Bronze Medalist, nasungkit din ni Marcial ang silver medal noong 2019 World Championships, at gold noong 2009 World junior at apat na Southeast Asian Games Top Finishes. —sa panulat ni Hannah Oledan