Pinataob ni Unbeaten Filipino Boxer Jade Bornea si Mohammed Obaddi sa ikatlong round ng International Boxing Federation (IBF) na ginanap sa Monterrey, Mexico.
Sa umpisa pa lamang ng laro ay kapansin-pansin na pinaulanan ni Borneo ng suntok ang kalaban.
Tumama ang uppercut nito sa 3rd round ng laban.
Dahil sa pagkapanalo, mayroon ng rekord na 17 panalo at walang talo si Borneo habang mayroong 22 panalo, dalawang talo, at 13 knockouts naman si Obaddi.
Samantala, nakahanay na si Bornea na maging katunggali sa IBF World Super Flyweight World Title na hawak ng pinoy boxer na si Jerwin Anjacas. —sa panulat ni Airiam Sancho