Pinatunayan ni Filipino strawweight Jeremy “Jaguar” Miado na hindi tsamba ang kanyang knockout win noong 2019 laban kay Chinese fighter Li Tao Miao matapos niya itong dominahin muli sa ONE: NextGen sa Singapore.
Sa unang bahagi pa lamang ng laban ay nagpakitang gilas na si Miado at pinaulanan ng sunod-sunod na kombinasyon ang kalabang Tsino.
Pagsapit ng ikalawang round ay muling binakbakan ni Miado si Miao hanggang sa inawat na ng referee ang laban bago iginawad sa Pinoy fighter ang technical knockout win.