Nasungkit ng pambato ng Pilipinas na si Melvin Jerusalem ang WBO Strawweight Title matapos talunin ang nakasagupang Japanese national na si Masataka Taniguchi sa Osaka, Japan.
Napabagsak ni Jerusalem si Taniguchi sa loob ng dalawang round.
Nakapagtala ang pambato ng Pilipinas na ng 12 knockouts. Dahil dito, nakamit muli ng Pilipinas ang Boxing World Champion. —sa panulat ni Jenn Patrolla