Nakakulong ngayon sa Santa Rita Jail sa California U.S ang Filipino boxer na si All Rivera dahil sa kasong pang-aabuso at pambubugbog o adult abuse.
Sa impormasyong nakuha ng mga otoridad sa mga kasambahay ng boksingero, nagwala umano at nanakit si Rivera nang dalhin sa isang psychiatric facility matapos mapansin ang pabago-bago nitong ugali dahil umano sa depression.
Nakatakda ngayong araw, Mayo a-2, ang pagdinig sa kasong isinampa laban kay Rivera sa Manuel Courthouse sa Oakland na may piyansang aabot sa $45-K o katumbas ng P2.35-M.
Matatandaang si Rivera ay gumawa ng rekord na 18 knockouts kung saan, huli siyang nakipaglaban Hunyo noong nakaraang taon sa American boxer na Omar Juarez at nagwagi via majority decision.