Buong tapang na hinamon sa boxing ring ni Filipino boxer John Riel Casimero si WBC, WBA at IBF World Bantamweight Champion Naoya Inoue.
Ito’y matapos pabagsakin ni Inoue si dating world boxing champ Nonito Donaire Jr. nito lamang Martes na ginanap sa Saitama, Japan.
Nabatid na nakatakda sanang lumaban si Casimero kay Inoue pero naudlot umano ito sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic.
Samantala, tiniyak ni Casimero na makakaganti ang Pilipinas at muling masusungkit ang world title at karangalan ng bansa.