Itinanghal na bagong interim WBC bantamweight champion si Filipino boxer Reymart Gaballo matapos manalo laban kay Emmanuel Rodriguez ng Puerto Rico.
Sa pamamagitan ng split decision, idineklarang panalo ang 24-anyos na si Gaballo sa nasabing laban sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut, USA.
Ang mga judges ay nagbigay ng 115-113 at 116-112 pabor kay Gaballo habang pumabor ang isang judge na si David Sutherland kay Rodriguez na nagbigay ng score na 118-110.
Dahil sa nasabing panalo, si Gaballo ay nakapagtala na ng 24 na panalo at wala pang talo.
Si Gaballo ang pumalit kay Nonito Donaire, Jr. na una nang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) — ilang araw bago ang laban.